So I don't know who's sicker, me or them, still probably me! hehehe Because I'm posting here a copy of my speech. Read it but you have been forewarned....I wrote it!
Isa pong karangalan ang maanyayahang maging panauhing tagapagsalita dito sa inyong pagtatapos sa ilalim ng mga kursong handog ng FACE Al Ain ngayong taon. I thank you for giving me this honor and I am humbled by your invitation that I speak to you tonight. Sa totoo lang po medyo di ako sure kung bakit sa dinamirami naman ng mga Pilipinong kagalang-galang dito sa Al Ain eh ako pa ang inyong naanyayahan? Pero naisip kong marahil, meron naman akong maibabahagi sa inyo ngayong araw kaya’t ipagpaumanhin ninyo pero ako po’y magsasalita ng sampung oras! (thankfully the laughed here) Biro lang po, maikli lang po ito. Nais ko lang pong sabihin ay ganito: K Y P M M. Ayun, tapos na. Salamat po. Babay...(acted like I was leaving glad someone asked what it meant)
Ano yon? Ano daw po ba ang KYPMM? Kayo po alam ninyo? Ang KYPMM po ay motto ko simula pa noong ako’y nasa kolehiyo. This has been my college mantra and has proven to be quite helpful to me and to many of my friends who know what it is. Ngayon po ise-share ko sa inyo ang mottong ito. Ang ibig po sabihin ng KYPMM, ay Konting Yabang Para May Marating! Ayos ba? KYPMM!
Kadalasan po kasi sa ating mga Pilipino, napakamahiyain. Punung-puno tayo ng tinatawag na false modesty. Binati ka na ngang maganda, hinampas mo pa yung bumati sa iyo. Nasabihan ka na nga na magaling ka, sagot kaagad, “Naku hindi naman”. Sabay inirapan mo pa yung bumati sa iyo. Pag sinabihan kang, “Wow ang yaman mo!” Sagot agad ng marami, “Naku wala akong pera!“ Hindi ka naman inuutangan, na-impress lang siguro yung nagsabi sa damit mo, o sa bago mong kotse....
Madalas hindi na tayo nakakasabay sa yabang ng ibang lahing nag-aaply kung kaya sila ang napipili sa mga interbyu at hindi tayo. Pansinin nyo ang ibang lahi, makahawak lang ng computer, sasabihin na sa iyo, expert na sila sa bagay na iyan. Hindi ba tayo madalas sasabihin natin sa ating mga CV, “Experienced in handling office machines like computer, etc.” Pero kapag CV ng ibang lahi, Computer expert user. Wow! Pero idaan sa actual, mas madami pa ring alam ang mga Pinoy.
Pagdating naman sa postura, pansinin ninyo ang mga kasabayan nating Asyano. Kahit ba high waisted and mga sinturon ng mga yan, mukhang kagalang-galang....may kurbata pa at naka long sleeves pag mag-aaply. Eh maraming Pinoy, maging mga Pinay – naka-maong, t-shirt, meron nga naka-sandals pa, ni hindi man lang nag-make-up (ang mga girls ha!). Remember that first impressions last. It is also true that first impressions usually get you the job! Kaya po isaisip KYPMM. Konting Yabang Para May Marating. Lakas lang ng loob para malakas din ang dating!
22 years old po ako nang mapapadpad sa Gitnang Silangan. Kasali sa mga unang batch ng mga Filipinos na nakuha ng Beach Rotana sa Abu Dhabi. Ako po ang nakuhang kalihim sa Departamento ng Sales at PR ng nasabing hotel. Although I had been working for a PR agency in Manila, my youth gave the impression that I wouldn’t be able to handle tough decisions. So I used my motto KYPMM to prove to my bosses then that I can indeed step up to the plate. I'd like to think i did a good job there, leaving my former boss to write in my recommendation letter that he will definitely hire me for a much higher position should I want to work for him again. Yabang no?
A client of the hotel offered na pirate-in ako sa kanyang kumpanya na maging Sales Executive sa kanyang shop dealing with Telecommunications equipment. Mas malaki ang sahod ko. Aba go na ako at shempre yes ang sagot ko! Kesahodang wala akong alam sa paglalako ng mga mobile phones, fax machines, satellite telephone pati na rin walkie talkies, fishfinders at global positioning systems? Sabi ko sa sarili ko, mapag-aaralan ko rin ito. Natuwa naman ang bagong boss ko dahil pati pag-install ng fish finder sa mga barko, napag-aralan ko. I joined his company in March, he promoted me as Sales Supervisor in October – in seven months – pinanindigan ko ang yabang ko. I cherish the letter he gave me telling me of my promotion, to this day. Pati ako di ko akalain. It made me realise na lahat ng bagay, napag-aaralan. Basta’t may User’s Manual, kayang basahin at alamin kahit ano pa yan.
At eto po ang pangalawang mensaheng nais ko ibahagi sa inyo. Ang patuloy na pag-aaral. Learning is for life, araw-araw po may natutunan tayong bago. May nakikilala tayong bago at may nadidiskubre sa ating mga sarili, kaibigan, mahal sa buhay at kapaligiran na bago. Kaya patuloy na pag-aralan ang sarili, lipunan, at kakayahan. Katulad po ninyong mga kumuha at nagtapos ng matagumpay sa skills upgrade ng FACE, hanga po ako sa inyo dahil ginusto ninyong madagdagan at ma-improve and inyong mga sarili. Hindi porke’t nagtatrabaho na ay “graduate” na sa pag-aaral. Ipagpatuloy po at ugaliin ang pagbabasa, pagsiyasat sa Internet, pagsanay ng mga iba pang sangay maging sa edukasyon, sining o mga kinahihiligang mga hobbies tulad ng pagluluto, pag-aaral ng bagong linguahe or di kaya pagtugtog ng isang musical instrument, maging ballroom dancing at public speaking. Tayo po ay walang katapusang mag-aaral ng buhay. We are students of life, for life.
Nang tawagan po ako ng Higher Colleges of Technology para tanungin kung iteresado pa raw ba ako sa inaplayan kong position isang taong makalipas na ako’y tindera na ng mga telecommunication gadgets, agad naman akong umoo dahil again, mas malaki ang offer. Shempre marami sa atin mas pipiliin ang mataas na sahod kesa sa position. From Sales Supervisor nga naman, bumalik ako sa pwesto bilang Administrative Assistant sa tanggapan ng Human Resources at Finance. But I did not stop there.
Sa hilig ko mag-aral, kumuha ako ng mga karagdagang kurso – karamihan libre lang sa Internet, para sanayin ang aking sarili sa lumalakas na trend ng Web at Internet. KYPMM at biyaya ng Diyos nang tinaggap ako bilang Independent Learning Technician sa HCT. Wala po kasing promo-promotion sa amin. Kung may bakante, aaplayan mo. Ngayon po nagtuturo ako ng information at learning skills sa mga first year Emirati students, ICDL sa mga empleado ng gobyerno tulad ng ADWEA at Military sa ilalim ng aming Continuing Education Department, at last year, nagturo din po ako ng ICDL sa FACE. Ako rin po ang master trainer ng Online Instructor’s Training para sa mga guro ng HCT Men’s at Women’s Colleges dito sa Al Ain. Estudyante ko ang mga guro namin – mga halu-halong nationalities, field of discipline pati na rin experiences. Wala pong dagdag na bayad, under po ito sa Professional Development activities ng college.
Pero Okay lang....kasi this brings me to the third point na nais kong iabahagi sa inyo. Wag maging madamot sa kaalaman. Ang liwanag ng isang kandila at hindi nababawasan sa pagsindi ng isa pang kandila, bagkus kapag nailawan ang marami pang kandila ay lubos na nagliliwanag at natatalo ang kadiliman. Information changes rapidly that failing to divulge or share it, makes it obsolete. But taking an active role in information and knowledge building, your knowledge and your learning becomes even more powerful.
Kayong mga nagtagumpay na sa inyong mga kinuhang skills upgrade sa FACE, hikayatin ang mga kaibigan sa pagsali rito. Ipagpatuloy pa ninyo ang inyong pag-aaral at pagsasanay na kahit minsan nakakapagod, nakakatamad, ang daming assignment at test, may project pa, pero tingnan nyo naman sa huli, wagi kayo!
Share what you’ve learned and be that candle that lights up the darkness of ignorance by being active members of FACE Al Ain, bilang pa-thank you na rin sa mga nagturo sa atin at tulong na rin sa kapwa nating mga Pilipino. Besides, the more you share what you know, the more you learn from your students. The more you learn, the better you become thru your knowledge and skills. It is a chain reaction that you have begun in your life. It is exciting to know where it will lead you to as well as to what it will bring in your life. Tulad na lang ng mga nakapag-asawa ng mga kaklase sa mga FACE courses! O di ba truly rewarding! Natuto na, nagka-love life pa! Pero walang sisihan at walang soli-an kung matinik si kumander....idaan mo na lang sa KYPMM!
My final message is this: There is indeed strength in numbers but there is power in organised numbers. Tulad ng walis tingting, Oo madami ang kailangan mo, pero hangga’t di mo yan pagbubuklodin, hanggat di mo yan itatali ng sama-sama, hinding hindi mo magagamit bilang walis. Kung tayo ay nagkakaisa sa ating layunin na makatulong sa pag-angat ng kaalaman at kamalayan ng mga manggagawang Pilipino dito sa Al Ain, sa pamamagitan halimbawa ng pag-aaral ng computer at mga makabuluhang software, siguradong lubos pa nating mapagbubuklod ang ating community dito sa Al Ain at higit pa tayong makakatulong sa mas nakararami kung tayo ay regular na miyembro o kasapi ng FACE. Tutal madalas din namang sabihin na meron daw Filipino Mafia….eh di tuluyan na nating buuin itong sinasabing mafia-mafia na ito. Let us be the example to others – let our organised numbers be a force that promotes the Filipino community in the global environment.
Sa pagtatapos po, tandaan lang KYPMM, patuloy na mag-aral, ibahagi ang napag-aralan at mas matibay po tayo kung tayo ay nagkakaisa at sama-sama. These are the traits that I want all Filipinos to be known for. This is what every Filipino working abroad should strive to attain: Self Confidence, Knowledge and skills that is constantly shared and upgraded and the determination to build and be part of a community that brings us all Filipinos united, giving us a sense of belonging, a pedestal of pride, and a piece of home...away from home.
Nagpalakpakan naman sila, siguro para matapos na lang ang mga blah-blahs ko. But I was scared shit! When I got down from the podioum and the stage, my hands were cold, I couldn't breathe and although I was smiling and shaking people's hands, I couldn't remember who they were or what they said. Surreal. It was a different "trip" but one that I'd like to avoid from EVER recurring in the future.