Wednesday, March 16, 2005

For People's Service Corps - UP

Naaalala nyo pa ba...
Ang lamesang blue na pinaitim na ng panahon?
Na siyang saksi sa saya at lumbay sa Palma Hall noon

Naaalala nyo pa ba...
Ang ikatlong palapag ng bulwagang Palma?
Matiyaga't maya-maya'y inaakyat nang tayo'y magkasama-sama

Naaalala nyo pa ba...
Ang logbook (na nawala) ng ating samahang PSC?
Puno ng minutes, doodles, at tula sa mga pinipintakasi

Naalala nyo pa ba...
Ang bench na mahabang, kulay brown?
Na kung sino man ang umupo ay siguradong tanggal ang kanyang frown (what else rhymes with brown!)

Kung naaalala nyo pa nga
Ang lahat nang ito
Naaalala nyo rin kaya
Ang mga nakasama nyo?

Nakipagsaya,
Nakitawa
Naki-kain
Naki-kanta
Naki-gawa
Naki-aral
Naki-isa?

Salamant sa mga ala-ala.

No comments: