Bahaw
Tumaba na sa alikabok
Ang aking aklat na pula
Abo na ang apoy sa puso
Ng aking pagka-aktibista
Panis na ang laway ko
Sa matagal na pananahimik
Bahaw na rin at malamig
Ang sinaing ni Nanay
Humpak pa rin ang pisngi
Ni Tasyong magsasaka
Pawis at nanghihina na
Si Pedrong manggagawa
Patay na ang pag-asa
Ni Neneng sa kakasayaw
Bahaw at basag na ang boses
Ni Isko sa kakasigaw
Malamok, malangaw, mabantot
Ang bansang aking kinagisnan
Maputik, mainit, maalikabok
Ang daan niyang sinusundan
Madugo, mahirap, masakit
Ang kasaysayang pinagdadaanan
Panis na ang bahaw sa mesang
Kaninang umaga lang sinaing ni Nanay
Don't you just have days like this? Don't even ask me to translate it...all these sentiments will disappear in translation.
No comments:
Post a Comment